Pangulong Rodrigo Duterte, tutulak na ng middle east mamayang hapon para sa kanyang state visit

44

Manila, Philippines – Bibiyahe na mamayang hapon si PangulongRodrigo Duterte para simulan ang kanyang state visit sa Saudi Arabia, Bahrain atQatar.
  Nakatakdang umalis ang PR 001 mula sa Davao InternationalAirport mamayang pasado 2:00 ng hapon para simulan ang biyahe ng pangulo natatagal hanggang sa susunod na linggo.
  Ayon kay Foreign Affairs ASec. Jayceelyn Quintana – angtatlong state visits ay magreresulta ng mas pinalakas na relasyon sa Pilipinas atmas maraming investments para sa bansa na makatutulong sa ating ekonomiya atmagbibigay ng maraming trabaho para sa mga Pilipino.
 
  Haharapin din ni Pangulong Duterte ang mga Filipinocommunity sa mga nasabing bansa kung saan inaasahang ibabalita ng pangulo samga ito ang kalagyan ng Pilipinas at ang mga programa ng anyang adminsitrasyon.
 

Facebook Comments