Panibagong batch ng mga undocumented OFWs sa Saudi Arabia, nakauwi na sa Pilipinas

21

Manila, Philippines – Panibagong batch ng mga undocumented OFWs sa Saudi Arabia ang nakauwi ngayon sa Pilipinas matapos ipatupad ng Saudi government ang 90-day amnesty program para sa illegal foreign workers.

Dumating sa NAIA nitong Huwebes ang isa na namang batch –na kinabibilangan ng 35 OFWs –lulan ng Philippine Airlines.

Nabatid na pang-walong batch na ang new arrivals mula nang mamigay ang Saudi government ng exit visa sa mga OFWs na nagtatago doon.

At sa kasalukuyan, umabot na umano sa 147 ng mga nabigyan exit visa ang nakauwin na.

Sagot ng pamahalan ng Pilipinas ang plane tickets ng mga nagsiuwiang mga OFW, at sasagutin din ng gobyerno ang kanilang pamasahe pauwi sa kani-kanilang mga probinsya.
DZXL558

Facebook Comments