Panibagong missile lunch ng North Korea, kinondena ng United Nation

Manila, Philippines – Kinondena ng United Nations ang panibagong paglulunsad ng ballistic missile ng North Korea.

Ayon kay UN Secretary General Antonio Guterres, ang naturang aksyon ng Pyongyang ay isa na namang paglabag sa security council resolution at inaasahang makakapagpalala pa ng sitwasyon sa korean peninsula.

Dahil dito, inaasahang magkakaroon ng close door meeting bukas ang Security Council kaugnay ng matagumpay na missile testing ng NOKOR.


Facebook Comments