Panukalang mag-iingat sa mga national historical landmarks, isinulong sa Kamara

Inihain ni Pinuno Party-list Rep. Howard Guintu ang House Bill 8422 na mag-aamyenda sa Republic Act 10066, or the National Cultural Heritage Act of 2009.

Ito ay para matutukan ang conservation o pagpapanatili sa ating mga national historical landmarks.

Saklaw ng panukala ni Guintu ang lahat ng national historical landmarks, mga lugar, monumento, gusali at istraktura na nakarehistro sa Philippine Registry of Cultural Property.


Hakbang ito ni Guintu upang maiwasang maulit ang insidenteng katulad ng pagkasunog ng Manila Central Post Office Building.

Sa ilalim ng panukala ni Guintu ay titiyakin ang katatagan ng mga heritage buildings and structures sa pamamagitan ng pagsailalim sa mga ito sa retrofitting nang hindi babaguhin ang orihinal nitong itsura o disenyo.

Facebook Comments