Mga tauhan ng Philippine Coast Guard, Japan Coast Guard at U.S. Coast Guard, naglinis sa Manila Bay

Nagsagawa ng coastal clean up drive ang Philippine Coast Guard (PCG), Japan Coast Guard (JCG) at U.S. Coast Guard (USCG) sa Manila Bay.

Partikular na nilinis ng mga ito ang Dolomite Beach sa Maynila.

Saku-sakong mga basura na inanod sa Manila Bay ang nakolekta sa coastal clean up drive.


Ayon sa PCG, bahagi ito ng isinasagawang ‘Kaagapay’ Trilateral Exercise 2023 sa pagitan ng PCG, JCG, at USCG.

Facebook Comments