PAO, hiniling sa NBI na imbestigahan ang pagkamatay ni Michael Angelo Remecio

Manila, Philippines – Hiniling na rin ni Public Attorney’s Office Chief Persida Rueda-Acosta kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre na atasan ang NBI na imbestigahan ang pagkamatay ng disi-sais anyos na si Michael Angelo Remecio.

Si Michael Angelo ay mula sa Caloocan at natagpuan ang labi nito sa Bulacan kung saan positibo itong kinilala ng kanyang mga magulang.

Nabatid na August 16 pa nawawala ang naturang menor de edad kung saan nagpapasada ito ng tricycle.


Lumabas din sa autopsy report na may foul play sa pagkamatay ni Michael Angelo.

Kahapon ay inihatid na sa huling hantungan ang biktima.

Facebook Comments