Lalaki, patay matapos barilin sa Quezon City

Quezon City – Patay ang isang lalaki matapos barilin sa loob ng bahay sa 3rd Street, Brgy. Pasong Tamo, Quezon City.

Dead on the spot ang biktimang si Jommel Gabriel, 42 taong gulang matapos magtamo ng isang tama ng bala sa ulo.

Kwento ng live in partner ng biktima, nakaupo lang sa loob ng bahay si Gabriel nang may tumawag ditto ang isang lalaki mula sa labas ng bahay.


Isang putok lang ang narinig nya sa mula sa loob ng bahay kung saan humandusay ang biktima.

Batay sa imbestigasyon, sa bintana binaril ng suspek ang biktima.

Facebook Comments