Kalibo, Aklan – Hihilingin ng lokal na pamahalaan ng bayan ng Malay sa National Inter-Agency Task Force IATF at Department of Tourism DOT na hindi na irerequire pa ng negative RT-PCR result ang mga local tourist na pupunta sa isla ng Boracay. Ayon kay Malay Mayor Frolibar Bautista, matumal pa rin ang local tourist arrival sa isla simula ng buksan ito noong October 1, 2020 sa kabila ng 70% promo ng mga resort at hotel rates dito. Isa umano sa mga nakikita nilang dahilan kung bakit mabagal pa rin ang pagdatingan ng mga lokal na turista sa Boracay ay dahil sa Negative RT-PCR result requirement sa kanila. Kung pahihintulutan aniya ng National IATF at DOT ang nasabing kahilingan malaki umano ang posibilidad na tataas ang local tourist arrival sa isla at maiwasan pa ang nagbabadyang paghinto ng operasyon ng mga resort at hotels sa Boracay.
PARA DUMAMI ANG LOCAL TOURIST ARRIVAL SA BORACAY, PAGTANGGAL NG NEGATIVE RT-PCR REQUIREMENT SA KANILA HIHILINGIN
Facebook Comments