PASUKAN, MAS PINAGHAHANDAAN NG DEPED!

Baguio, Philippines – Sa paghahanda ng Department of Education (DepEd) Cordillera, sa darating na pasukan sa Agosto 24, mga karagdagang boluntaryo at guro ang pinagtutuunan ng pansin ngayon ng ahensya.

Para mas mapabilis ang pagbibigay, pag-aabot ng mga learning modules at mga karagdagang pag-agapay at pagtuturo sa mga estudyante, hinihikayat ng DepEd na magkaroon ng karagdagang boluntaryo mula sa mga barangay,mga social workers, retired teachers, PNP volunteers, mga empleyado at mga kamag-anak,na magbigay serbisyo sa mga mag-aaral lalo na sa mga liblib na lugar.

Dagdag pa paghikayat ng DepEd, isang resolusyon ang inihain ni Baguio City Councilor Vladimir Cayabas, na nagbibigay ng konsiderasyon para makapagturo muli ang mga guro na apektado ng retrenchment dahil sa blended learning scheme sa mga pribadong paaralan.


Ang resolusyon ay inaprubahan na ngayong linggo sa regular na sesyon upang mapabilis na din ang pagtanggap sa mga karagdagang gurong mag-aaply sa mga pampublikong mga paaralan, para sa darating na pasukan.

Samantala, nagpapatuloy pa din ang pilot testing ng DepEd sa lungsod kung saan, naihatid na ang mga kakailanganging modules sa mga eskwelahan ng Guisad Valley National High School at Bonifacio Elementary School sa tulong ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at mayroon namang nakahandang 1500 printable modules at 226 video-based teaching learning materials at inaasahan madadagdagan pa ng 200 na video-based teaching materials na gagawin kada linggo kung saan nasa 2,080 video-based teaching learning material ang maibabahagi ng ahensya sa unang dalawang linggo ng buwan.

Facebook Comments