Patuloy na pagbaba ng inflation, inaasahan ng BSP

Malaki ang pag-asa ng Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP na patuloy na huhupa ngayon 2025 ang inflation rate o ang galaw ng presyo ng mga produkto at serbisyo.

Sinabi ito ni BSP Gov. Eli Remolona sa kanyang pagharap sa deliberasyon ng Kamara para sa panukalang pampansang pondo para sa susunod na taon.

Sa nakikita ni Remolona, maglalaro sa 2 hanggang 4 na porsyento ang average inflation rate.


Binigyang diin ni Remolona na pangunahing sanhi nito ang pasya ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na tapyasan ang taripa na ipinapataw sa imported na bigas.

Kaugnay nito, inihayag naman ni Remolona ang pangangailangan na patuloy na palakasin ang produksyon sa panig ng agrikultura bilang pantapat sa mga aspetong maaring makaapekto sa inflation tulad ng mataas na domestic prices ng food items maliban sa bigas, mas mataas na transport charges at singil sa kuryente.

Facebook Comments