PBA | Magnolia Hotshots, inilampaso ang Columbian Dyip; 126-101

12

Manila, Philippines – Hindi pinaporma ng Magnolia Hotshots ang Columbian Dyip sa kanilang naging laban kahapon sa 2018 PBA Commissioners Cup.

Tinambakan ng Hotshots ang Dyip sa score na 126-101.

Nanguna sa panalo ng Magnolia ang kanilang import na si Vernon Macklin na may 19 points at 8 rebounds habang tig-17 points naman ang nai-ambag nina Paul Lee at Mark Barroca.

Ayon kay Magnolia Coach Chito Victolero, naging maganda ang ipinatupad nilang depensa at opensa dahil sa matindi ang nilaro ng Dyip kung saan ito naman na ang huling laro ni Macklin sa kanilang koponan dahil tutungo na ito sa China para doon ipagpatuloy ang paglalaro ng basketball.

Facebook Comments