PBBM, bumiyahe na pa-Japan

Courtesy: Bongbong Marcos Facebook page

Inanunsyo ng Malacañang na nakaalis na ng bansa papuntang Osaka, Japan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para dumalo sa World Expo at serye ng business meetings.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, ngayon lamang tanghali nakaalis ng bansa ang pangulo habang isinisagawa ang pressbriefing.

Magsisilbing caretaker ng bansa si Executive Secretary Lucas Bersamin, Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary Conrado Estrella, at Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara.

Bagama’t hindi binanggit ng palasyo ang eksaktong araw, inaasahang babalik din sa Pilipinas ang pangulo ngayong weekend.

Nauna nang sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na layong ng biyahe ng pangulo na palakasin ang ugnayang pang-ekonomiya sa pagitan ng Pilipinas at Japan, gayundin ang pag-akit ng mas maraming dayuhang mamumuhunan.

Facebook Comments