Tuesday, April 14, 2026

Dalawang luxury vehicles ni Brice Hernandez na nasa kustodiya ng ICI, nai-turnover na sa Ombudsman

Nai-turn over na ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) sa Office of the Ombudsman ang dalawang luxury vehicles na isinuko ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) engineer Brice Hernandez sa ICI.

Ang dalawang sasakyan ay kinabibilangan ng itim na GMC Yukon Denali XL at navy blue na Lamborghini Urus Performante.

Ang naturang luxury vehicles ay unang isinuko ni Hernandez sa ICI noong September 19 at September 24, 2025.

Ang paglipat ng kustodiya ng naturang mga sasakyan ay bahagi ng mga ebidensya at findings na nakalap sa imbestigasyon ng ICI kaugnay ng flood control anomalies.

Facebook Comments