NLEX Corp, inatasan ng DOTr na suspendihin ang pangongolekta ng toll fee

Inatasan ng Department of Transportation (DOTr) ang tollway operator na North Luzon Expressway (NLEX) Corporation na suspindehin ang mga bayarin sa Marilao Northbound Segment ng expressway.

Ito’y matapos na mahulog ang isang container truck sa interchange bridge na nagdulot ng mabigat na daloy ng trapiko.

Iniutos din nito sa NLEX na ipaliwanag ang kabiguan nito na magpatupad ng kaukulang hakbang matapos nna may ganito ring insidenteng nangyari noong Marso.

Pinagpapaliwanag ng DOTr ang NLEX Corp., kung bakit hindi dapat baguhin o suspendihin ang toll collection privileges nito.

Iniutos din ng DOTr na magkaloob ito ng full assistance, gaya ng medical at financial assistance sa mga nasawi at nasugatan sa aksidente.

Facebook Comments