
Hindi nadidiktahan ng survey numbers si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Pahayag ito ng palasyo kasunod ng pinakahuling OCTA Research Survey na nagpapakitang bumaba sa 57% ang trust at performance ratings ng pangulo mula sa 64% na naitala noong Hulyo.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, malinaw pa rin na mayorya ng mga Pilipino ang nagtitiwala sa pangulo sa kabila ng bahagyang pagbaba ng numero.
Hindi aniya sa ratings nakabatay ang trabaho ni Pangulong Marcos kundi para sa kapakanan ng taumbayan.
Kasabay nito, bumaba rin ang ratings ni Vice President Sara Duterte, mula 54% noong Hulyo patungong 51% sa pinakahuling survey.
Sa kabila nito, tiniyak ng palasyo na mananatiling tutok ang administrasyon sa paghahatid ng serbisyo at solusyon sa mga isyung direktang bumabagsak sa mga mamamayan.









