PBBM, mamamahagi ng fertilizer discount voucher sa mga magsasaka sa Bicol

Umaabot sa ₱584.8 milyong halaga ng fertilizer discount voucher ang ipagkakaloob ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa 121,658 na mga magsasaka sa Bicol.

Ito ay bahagi ng kanyang aktibidad ngayong araw na ginagawa sa Camarines Sur.

2,000 sa mga magsasaka na may sinasakang lupain na may sukat na dalawang ektarya pababa ang mabibigyan ng P5,600 kada ektaryang tulong.


Maliban dito ay nasa ₱67.6 million na Rice Farmers Financial Assistance rin ang ipamamahagi sa may 1,500 na mga magsasaka at makatatanggap din ang bawat isa ng ₱5,000 cash.

Facebook Comments