Ipinatawag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla para sa isang pulong sa Malacañang ngayong araw.
Ito’y para talakayin ang mga kailangan pang paghahanda kaugnay ng inaasahang pagpasok ng sunod-sunod na bagyo sa bansa.
Inaasahan din na bibigyang direktiba ng Pangulo si Remulla tungkol sa magiging papel ng DILG sa pagsususpinde ng pasok sa trabaho at paaralan.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), may nauna nang kautusan ang Pangulo para makapagpatupad ng work at class suspension ang DILG sa panahon ng kalamidad.
Oras anila na hindi makapaglabas ng suspensyon ang Office of the President ay maaaring magsuspinde ang DILG.
Samantala, matapos ang pulong kasama ang DILG, ay may hiwalay ring pulong ngayong araw na ito ang Pangulo kay Executive Secretary Lucas Bersamin.