Tuesday, March 10, 2026

PBBM, walang kinalaman sa pagkakatanggal ni Cong. Erice sa minority post

Hindi dapat isisi kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagtanggal kay Caloocan Rep. Edgar Erice sa kaniyang posisyon sa minority bloc sa Kamara.

Sa ambush interview sa New York, iginiit ni Palace Press Officer Claire Castro na mismong mga kasamahan ni Erice sa minority bloc ang nagpasya na palitan siya sa puwesto.

Paliwanag ni Castro, ang minority bloc ay binubuo ng mga kritiko ng pangulo tulad nina Congressmen Antonio Tinio, France Castro, Leila de Lima, at Chel Diokno kaya malabong idikta umano ng pangulo ang naging desisyon ng grupo.

Dagdag pa ni Castro, dapat tanggapin ni Erice na ang sariling grupo niya ang tumalikod sa kanya at nagpasiyang palitan siya sa posisyon na dati niyang hawak.

Kung natanggal man aniya si Erice sa kanyang puwesto, ito ay dahil sa naging pasya ng kanyang mga kasamahan at hindi dahil sa panghihimasok ng administrasyon.

Facebook Comments