PCG, bibili ng mga makabagong drones sa abroad

Nakatakdang bumili ang Philippine Coast Guard (PCG) ng drones para mapalakas ang kanilang operasyon.

Sa ngayon, dalawang bansa na ang nag-alok ng grant sa Pilipinas para sa prototypes drones.

Sinimulan na rin anila ang testing sa bibilhing model ng drones partikular ang may kakayahang mag-monitor ng kasinglayo ng 50 nautical miles.


15 drones ang paunang nais bilhin ng PCG para sa kanilang 15 distrito.

Pero nakadepende pa rin aniya ito sa aaprubahan ng pamahalaan.

Facebook Comments