Presyo ng produktong petrolyo, muling tataas bukas!

Muling tataas ang presyo ng produktong petrolyo ngayong linggo matapos ang dalawang linggong rollback.

Simula bukas, Abril 19, ay magpapatupad ang ilang kompanya ng langis ng ₱1.70 na dagdag presyo kada litro sa diesel habang ₱0.45 kada litro naman sa gasolina at kerosene.

Ipapatupad ng Shell at Seaoil ang taas-presyo epektibo bukas ng alas-6:00 ng umaga habang ang Cleanfuel naman ay alas-4:00 ng hapon.


Nabatid na ang oil price hike ay dahil sa pagstaas ng presyo ng imported na petrolyo sa world market noong Huwebes Santo.

Facebook Comments