PNP, no comment sa alegasyon na ‘overkill’ ang pagpatay sa apat na sundalo sa Jolo, Sulu

41

Dumistansya ang Philippine National Police (PNP) kaugnay sa alegasyong na overkill ang pagpatay sa apat na sundalo sa Jolo, Sulu.

Ayon kay PNP Spokesperson Bernard Banac, wala silang maibibigay na pahayag kaugnay dito maliban na lamang sa nasibak na ang hepe ng Jolo Municipal police station bilang bahagi ng kanyang command responsibility.


Aniya, hihintayin na lamang nila ang magiging kalalabasan ng imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI)

Nabatid na natapos na ang autopsy sa katawan ng apat na sundalong nasawi na sina Major Marvin Indammog, Captain Irwin Managuelod,Sergeant Jaime Velasco at Corporal Abdal Asula.

Batay sa NBI, isa sa mga sundalong binaril ng mga pulis ay nagtamo ng walong tama ng bala ng baril sa katawan habang nagtamo naman ng tatlong tama ng bala ng baril ang dalawang army officer.

Ang ika-apat naman na biktima na si Corporal Abdal Asula ay agad na inilibing alinsunod sa tradisyon ng mga Muslim.

Facebook Comments