PDEA-AKLAN, NAGSAGAWA NG GREYHOUND OPERATIONS SA BJMP

Kalibo, Aklan – Walang illegal na droga at mga kontrabandong nakumpiska ang mga tauhan ng Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) Aklan sa isinagawa nilang greyhound operations sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Nalook, Kalibo Aklan.
Sa isinagawang operation, ininspeksyon ng mga operatiba ang mga pasilidad kung merong mga tinatagong illegal na droga at kontrabando.
Kasama ng PDEA-Aklan ang Kalibo Municipal Police Station, 1st Aklan Provincial Mobile Force Company (APMFC) at mga tauhan ng BJMP-Aklan.
Layunin nito na masiguro na ligtas sa illegal na droga ang mga jail facilities at ang pagsuporta sa “Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan” (BIDA) Program ng DILG.
Facebook Comments