PDEA AT PNP, NAGKAISA SA BPATS TRAINING SA BAYAN NG GAMU

Cauayan City, Isabela- Nagkaisa ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Isabela at PNP Gamu sa isinagawang 2–day Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) Enhancement Training: Special Laws and Effective Services nitong ika-28 at 29 ng Setyembre taong kasalukuyan sa Brgy. District III, Gamu, Isabela.

Pinangunahan ang nabanggit na pagsasanay nina PMaj Ricson Cabauatan, Hepe ng Gamu Police Station at Ginoong Daryll Damaso, Assistant Provincial Officer ng PDEA Isabela katuwang ang LGU Gamu sa pamumuno ni Mayor Timoteo ‘Temy’ Galanza. Isa sa tinalakay sa nasabing na aktibidad ang mahahalagang probisyon ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022.

Kaugnay nito, nasa kabuuang 130 na barangay officials at PNP personnel ang nakiisa sa nabanggit na pagsasanay.

Samantala, bilang bahagi ng BPATs Training ay isinagawa rin ang Tree Planting Activity sa pagtutulungan pa rin ng PNP Gamu at PDEA Isabela katuwang ang BFP Gamu sa pamumuno ni SFO4 Wesley Austriaco, Gamu MFPO alinsunod sa Climate Change Awareness and Go Green Campaign.

Facebook Comments