ISABELA POLICE PROVINCIAL OFFICE, PINALAKAS ANG UGNAYAN SA IBA’T IBANG SEKTOR

22
Cauayan City, Isabela- Pinaiigting ng Isabela Police Provincial Office (IPPO) ang kaugnay nito sa iba’t ibang sektor ng lipunan sa pamamagitan ng isinagawang 2–day IPPO Boot Camp and Advisory Summit 2022 nitong ika-29 at 30 ng Setyembre taong kasalukuyan.

Kaisa sa nabanggit na aktibidad ang mga miyembro ng Advisory Group mula sa iba’t ibang sektor gaya Media, Religious group, Senior Citizen, at Lokal na Pamahalaan.

Pinangunahan ni PCol Julio Go, Provincial Director ng IPPO ang Boot Camp at nagsilbi naman bilang Panauhing Pandangal si Hon. Jay Eveson ‘Jayve’ Diaz, Ilagan City Councilor.

Nagsilbi naman bilang Resource Speakers sina Atty. Leonora Bartolome, Chairperson ng Isabela PAGPTFLD at Regional Director ng NAPOLCOM Region IV-A at PMaj Arlene Javier, Action PCO, RPSMU.

Tinalakay sa nasabing aktibidad ang mga ginagawang hakbang ng kapulisan tungo sa lalong pag-unlad ng ahensya at pagpapatatag ng ugnayin nito sa iba’t ibang sektor at komunidad.

Facebook Comments