PDEA, itinanggi na may kahilingan ito na ibalik sa kanila ang paghawak sa war on drugs

Manila, Philippines – May suspetsa ang PDEA na may layunin lamang na lumikha ng intriga sa pagitan ng PNP at ng kanilang ahensya ang sinasabing aapela sila kay Pangulong Rodrigo Duterte na sa ibalik na sa kanila ang war on drugs.

Ayon kay Derrick Carreon spokesperson ng PDEA, wala silang ganitong apela at wala rin silang opisyal na statement ukol dito.

Ito ay sa dahilan na kailanman ay hindi inalis sa kanila ang paghawak sa giyera sa illegal na droga.


Hindi aniya sila magpapatianod sa umiiral na labanan ng perspesyon sa publiko.

sa ngayon , malinaw ang papel ng pa PDEA at PNP.

habang kulang pa ang mga PDEA agents, tututukan muna ng PNP ang mga nasa street leven na drug personalities habang tungkulin naman ng PDEA na habulin ang mga high value targets.

sa ngayon, kasalukuyan nang sumasailalim sa pagsasanay ang mga bagong recruits ng PDEA na isasabak sa pinaigting na giyera laban sa droga.

Facebook Comments