Para matiyak na mapayapa, maayos at malinis na halalan sa May 14 barangay at SK election ay itinakda bukas ng Cotabato City Police Office, Task Force Kutabato, 5TH Special Forces battalion, Comelec, DepEd at Citizen Arm election ang Peace covenant signing at kanduli sa lahat ng mga tumatakbong kandidato sa lungsod. Sinabi ni City PNP Director Police Sr.Supt.Rolly Octavio, bagamat kalahati sa mga barangay sa siyudad ang walang kalaban o Unopposed ay mainam parin na magkaroon ng Peace covenant na hingin ang commitment ng mga tumatakbo sa halalan na huwag gumawa ng karahasan at iwasan ang batuhan ng putik upang indi magkaroon ng mainitang labanan. Kailangan magkaisa ang mga kandidato na itaguyod ang malinis na election at dinagdag pa ni Col.Octavio na dapat may sportsmanship ang bawat isa…Ang Peace Covenant ay gagawin sa Loob ng CCSPC gym at lahat ng kandidato ay dapat dumalo.
Peace covenant signing ng mga tatakbong kandidato gagawin bukas sa Cotabato city
Facebook Comments