Palalawakin sa labas ng Metro Manila ang pagbabakuna kontra COVID-19 ng mga edad 5 hanggang 11.
Ayon kay National Vaccination Operations Center (NVOC) Chairman at Health Usec. Myra Cabotaje, sa kapasidad ng ating health workers ay kakailangangin talaga natin na magkaroon ng phased approach kaya kailangan ang pilot run ng pediatric vaccination sa Pebrero 7 hanggang 14.
Aniya, pagkatapos ng nasabing pilot run saka ito ilulunsad sa lahat ng rehiyon sa Pebrero 14.
Higit 15 milyong batang edad 5 hanggang 11 ang layong bakunahan ng gobyerno kontra COVID-19 sa bansa kung saan 140,000 ang galing Metro Manila.
Tiniyak naman Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na matutuloy ang pagbabakuna sa kabila ng petisyon na inihain ng dalawang magulang sa Quezon City Regional Trial Court para ideklarang unconstitutional ang pediatric vaccination ng mga edad 5 hanggang 11 anyos.