VALIDATION PARA SA MGA BENEPISYARYO NG UCTP, KASALUKUYAN NA

20
Cauayan City, Isabela- Kasabay ng isinasagawang social pension payout ng DSWD Region 2 sa mga kwalipikadong senior citizens sa Cauayan City ay kasalukuyan naman ang ginagawang balidasyon para sa listahan ng mga mabibigyan sa ilalim naman ng Unconditional Cash Transfer o UCT Program.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Ms. Rodelyn Ancheta, CSWD Officer ng Cauayan City, kanyang sinabi na nasa 4,700 na mga benepisyaryo mula sa iba’t-ibang barangay sa Syudad ang makakatanggap ng cash assistance na nagkakahalaga ng 3,600 pesos.

Karamihan sa mga benepisyaryo ng UCT program ay mga senior citizens din at mga non-pensioner.

Pagkatapos ng validation, ipoproseso na ang pamamahagi ng cash card katuwang ang Landbank para sa mga rehistradong benepisyaryo ng nasabing programa.

Samantala, nagpapatuloy pa rin ang iba pang mga programa ng CSWD gaya ng Assistance to Individuals in Crisis Situation at tulong pinansyal sa mga nangangailangan ng pampagamot o di kaya’y may matinding pangangailangan.

Para naman sa mga hihingi ng tulong sa nasabing ahensya, ay inaabisuhan ang lahat na bisitahin ang kanilang facebook Page para malaman ang mga tulong na maaaring makuha ganun din sa mga kakailanganing dokumento o requirements sa paghingi ng tulong.

Facebook Comments