Petsa ng paglalabas ng resulta ng 2020-2021 Bar Exams, tatalakayin na ng Korte Suprema

53

Tatalakayin na ng mga mahistrado ng Korte Suprema sa Martes ang paglalabas ng resulta ng 2020-2021 Bar Examinations.

Sa April 12, ilalatag na ni 2020-21 Bar Chair Justice Marvic Leonen sa En Banc session ang kanyang report sa Bar Exams.

Sa ika-2 ng Mayo naman itinakda ang oath taking ng mga bagong abogado.


Sinasabing posibleng ilabas ang resulta ng Bar Exams sa gagawing summer session ng mga mahistrado sa Baguio City, sa huling linggo ng Abril.

Facebook Comments