Ginawaran ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ng titulong Philippine Global Tourism Ambassador si Filipino-American Vanessa Anne Hudgens, bilang parte ng hakbang Marcos administration sa pagpo-promote sa turismo ng Pilipinas, at sa pag-aangat sa global status ng bansa.
Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Velicaria-Garafil, kahapon nag-courtesy call sa Malacañang ang aktres, kung saan dumalo rin si Tourism Secretary Christina Frasco.
Aniya, napili si Hudgens para sa titulong ito, lalo’t maraming followers ang aktres sa iba’t ibang social media platform.
Gagawa aniya ng documentary project ang gobyerno. kung saan iha-highlight ang pagpunta ng aktres sa bansa, at muling ikokonekta si Hudgens sa kaniyang Filipino roots, kasabay ng pagpo-promote ng tourism industry ng Pilipinas.
Itatampok sa proyekto ang mga historical landmark sa Intramuros, kabilang rin ang National Museum, at El Nido, Palawan.
Matatandaan nakilala si Hudgens nang pagbidahan nito ang High School Musical noong 2006 hanggang 2008.
Bida rin ito sa The Knight Before Christmans noong 2019 at The Princess Switch na ipinalabas noong 2018, 2020, at 2021.