Tuesday, August 18, 2026

PHP2.9M PREMYO SA PAGCOR LINK BINGO

Aabot sa Php2.9 milyon tax-free ang premyong maaaring mapanalunan sa ikatlong leg ng “₱1K for ₱2M Nationwide Linked Bingo Games” na nakatakda sa Setyembre 2026, ayon sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Sa halagang Php1,000 kada ticket, makakakuha ang bawat kalahok ng apat na bingo cards para sa bawat laro na puwedeng gamitin sa 10 laro.

Ang unang siyam na laro ay may Php100,000 na premyo bawat isa, habang ang ika-10 at huling laro ay may garantisadong Php2 milyon na “must-go” jackpot.

Gaganapin ang nationwide linked bingo event sa Casino Filipino Angeles sa Pampanga at sabay-sabay itong lalaruin sa mga kalahok na Casino Filipino branches sa Bacolod, Cebu, Grand Regal, Ilocos Norte, Iloilo, Olongapo at Tagaytay.

Kasali rin sa inaabangang event ang ilang bingo beneficiary venues tulad ng Bingo Bee Malabon, NUSTAR Resort and Casino, Okada Manila at Winford Resort and Casino Manila.

Ayon sa PAGCOR, ang programa ay bahagi ng patuloy nitong pagsisikap na gawing mas accessible ang bingo sa publiko habang isinusulong ang responsable at maayos na regulasyon sa gaming industry.

Para sa ticket inquiries, maaaring tumawag sa 0906-574-1935, 0927-804-0304 o 0917-843-0970.

Para sa karagdagang impormasyon, bumisita sa alinmang Casino Filipino branch o i-follow ang official Casino Filipino Facebook page.

Facebook Comments