Manila, Philippines – Handa na ang Pilipinas sa isasagawang human rights probe ng United Nations.
Ayon kay Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano –welcome sa Pilipinas ang mga “objective” at “fair” expert mula UN.
Hindi naman malinaw kung tatanggapin ng bansa si UN special rapporteur Agnes Callamard para pamunuan ang imbestigasyon.
Si Callamard ay isa sa mga kritiko ng anti-drug campaign ng pamahalaan.
Sabi ni Cayetano, hindi nila inimbitahan si Callamard dahil una na niyang nahusgahan ang kalagayan ng karapatang pantao sa bansa at tinawag pang murderer si Pangulong Rodrigo Duterte.
Aniya, ang kailangan ay mga eksperto na hindi bias laban sa Pilipinas at handang gumawa ng patas na human rights investigation.
Facebook Comments