Pilipinas, nakakabangon na mula sa COVID – Palasyo

Tiwala ang Malacañang na nakakaahon na ang bansa mula sa epekto ng COVID-19 pandemic.

Ito ang pahayag ng Palasyo habang hinihintay ang datos para malaman kung tumaas ang kaso ng COVID-19 nitong holiday season.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, napagdaanan na ng bansa ang ‘worst phase’ ng pandemya.


Aniya, kayang harapin ng Pilipinas ang pandemya.

Binubuksan ang ekonomiya para mas maraming tao ang makabalik ng trabaho at mai-angat muli ang ekonomiya.

Pero paalala ng Palasyo sa publiko na panatilihing sundin ang health procotols habang hinihintay ang bakuna.

Una nang sinabi ng Department of Health (DOH) na malalaman nila kung nagkaroon ng holiday surge sa kalagitnaan ng Enero.

Facebook Comments