Nakikipag-usap na ang Pilipinas sa China para sa kauna-unahang bakuna laban sa COVID-19 na inaasahang magagamit sa bansa sa Marso ng susunod na taon.
Ayon kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., nasa 80% ng vaccine supply ay nakuha na ng mga malalaking bansa kaya nakikipag-negosasyon sila sa China para sa kanilang bakuna.
Ang bulto ng mga bakuna ay inaasahang darating ng Mayo, Hunyo, at Hulyo ng susunod na taon kung ang negosasyon sa mga manufacturers tulad ng AstraZeneca, Pfizer, Johnson & Johnson, at Sinovac ay magiging matagumpay.
Kasalukuyang pinag-aaralan ng vaccine experts ang performance ng Sinovac Vaccine ng China at Sputnik V ng Russia.
Facebook Comments