Pilipinas, top 1 sa mga bansa sa mundo na may pinakamaraming naibakuna sa nakalipas na pitong araw

Nangunguna ang Pilipinas sa mga bansa sa mundo na may pinakamaraming naibakuna sa nakalipas na pitong araw, batay sa naitala sa “Our World in Data.”

Ang Our World in Data ay isang research team na nakabase sa University of Oxford sa England at isang scientific online publication na tumututok at nagtatala ng pinakamalalaking problema sa mundo tulad ng pandemya sa COVID-19.

Ayon kay Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles mula December 1, ang Pilipinas ang top 1 sa pinakamaraming naiturok na mga bakuna kontra COVID-19.


Pumapangalawa ang Thailand, pangatlo ang China, pang-apat ang India, panglima ang Indonesia at pang-anim ang Estados Unidos.

Ang mga bansang ito ay may mahigit 100 milyong populasyon.

Samantala, pumang-apat naman ang Pilipinas sa mga bansa sa mundo na may pinakamaraming naibakuna sa loob lamang ng isang araw o naitala sa 2.8 milyon.

Facebook Comments