Pinakabatang naihalal na Alkalde sa Pangasinan sa katatapos na eleksyon kilalanin!

92

Alaminos City – Usap usapan ngayon hindi lang sa kanyang siyudad na pamumunuan kundi sa buong lalawigan ang edad ng bagong halal na alkalde ng Alaminos City Pangasinan na si Arth Bryan Celeste. Sa edad kasi na 22 anyos ay hahawakan na nito ang pinakamataas na posisyon sa nasabing lungsod na kilala sa pagiging sentro ng turismo dahil sa pagiging home of hundred islands.

Naging malaking hamon sa kanya na hikayatin ang mga botante ng Alaminos City na ipagkatiwala sa kanya ang posisyon ng pagiging alkalde. Marami di umano siyang natanggap na kritisismo dahil sa pagiging masyadong bata daw nito para pamunuan ang nasabing lungsod.

Ayon naman kay Celeste nais nitong patunayan na hindi hadlang ang kanyang edad upang bigyan ng kalidad na serbisyo ang kanyang mga nasasakupan. Siniguro naman ng bagong halal na alkalde na ipagpaptuloy nito ang naumpisahang proyekto ng kanyang amang si Incumbent Mayor Arthur Celeste para sa lungsod at pagtutuunan ang programa para sa mga kabataan at agrikultura.

Si Alaminos City Mayor-elect Arth Bryan Celeste ay kasalukuyang Board Member ng Lalawigan dahil sa pagiging presidente ng mga Liga ng Barangay sa Pangasinan at anak ni Pangasinan Gubernatorial Candidate Mayor Arthur Celeste.

Facebook Comments