
Dahil sa umiiral na “State of National Energy Emergency” at kasalukuyang tensyon sa pagitan ng mga rehiyon, magbabago ang tradisyonal na pagdiriwang ng city fiesta sa San Carlos City ngayong taon. Layunin ng Lokal na Pamahalaan na pokus-in ang mga programa sa pangangailangan ng komunidad at pagtitipid sa enerhiya, habang pinananatili ang espiritu ng tradisyon.
Para sa Mango Bamboo Festival 2026, mula sa orihinal na 22 aktibidad, anim na lamang ang itutuloy. Kabilang dito ang Ms. San Carlos City 2026, Opening Parade at Mangga-wayan Street Dancing, Mass Wedding, Agew na Kalangweran, Bamboohan ed Baley 2026, at Grand Ball at Coronation Night.
Ang pagkansela sa natitirang 16 na programa ay alinsunod sa direktiba ng gobyerno upang makabawas ng hanggang 70% sa konsumo ng kuryente at krudo. Layunin din ng lungsod na gawing makabuluhan ang desisyon sa pamamagitan ng pagtutok sa mga inisyatibo na direktang makikinabang ang mga residente.
Bagamat may pagbabago, nananatili ang pagbibigay-halaga sa mga piling aktibidad na bahagi ng tradisyon at mga legal na obligasyon ng Lokal na Pamahalaan. Ang Reduced Fiesta ay tatagal hanggang Abril 18, matapos nito, magtutuon ang gobyerno sa mga programang makapagpapabuti sa kabuhayan at kaligtasan ng mamamayan.
Hinihikayat ang bawat residente na makiisa, sumuporta, at panatilihin ang pagkakaisa sa panahong ito. Sa pamamagitan ng pagtutulungan, mapapanatili natin ang kapayapaan at maayos na pagdiriwang para sa lahat. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








