Thursday, November 19, 2026

Isang oras na Yellow Alert sa Visayas Grid, itataas mamayang hapon

Muling ilalagay sa Yellow Alert ang Visayas Grid ngayong araw, Nobyembre 19.

Ayon sa National Grid Corporation ng the Philippines o NGCP, ipatutupad ito dakong alas-5:00 ng hapon hanggang alas-6:00 ng gabi.

Kabilang sa mga dahilan ng pagdeklara ng Yellow Alert ang planadong outage ng Plastic Container Packaging Corporation (PCPC), derated capacity ng TVI 1 at limitadong pag-angkat ng kuryente mula sa Mindanao dahil sa mataas na demand at planadong maintenance ng GNPK 3 at STEAG 2.

Ang Yellow Alert ay idinedeklara kapag hindi sapat ang operating margin upang matugunan ang kinakailangang contingency reserve ng transmission grid.

Facebook Comments