
Tinukoy mismo ng testigo ng defense team sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte na mayroong red flags ang mga financial transactions ng Cale 88 Foods Corporation na iniuugnay sa asawa ng bise na si Atty. Mans Carpio.
Inungkat ni Senator Risa Hontiveros kay Atty. Rainer dela Fuente, dating financial investigator ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) Secretariat, ang report ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) na may P776.64 million na pumasok sa Cale 88 kasama ang P319.33 million mula sa Mainland China at Hong Kong.
Tinukoy din ang report na dalawa lang ang nakatalang empleyado ng Cale88 gayong sa record ng BIR, mahigit P208 million ang sales ng kumpanya.
Mayroon pang 757 covered at suspicious transactions reports ang Cale88 na aabot sa P1.2 Billion.
Nang matanong ni Hontiveros kung hindi ba ito red flags, sinangayunan ito ng testigo pero kanyang iginiit na hindi ito direktang katibayan na may mali o iligal na ginawa.
Bago malaman kung iligal, kailangan munang suriin ito for further validation.










