PINAWAWALANG BISA | Suspended lawyer Elly Pamatong, naghain ng quo warranto petition laban sa Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Pinawawalang bisa ni suspended lawyer Elly Pamatong ang pagkakahalal kay Pangulong Duterte sa pamamagitan ng quo warranto petition na inihain nito sa Korte Suprema.

Kabilang sa grounds ni Pamatong ang aniyay kawalan ng COMELEC-approved Certificate of Candidacy nang tumakbo ang pangulo sa presidential race.

Ayon kay Pamatong, late naghain ng COC ang pangulo at hindi aniya ito inaprubahan ng COMELEC.


Iginiit din ng suspended lawyer sa kanyang limang pahinang petisyon na kulang sa constitutional authority ang Pangulong Duterte para i-represent ang gobyerno sa ano mang kapasidad kaya nararapat lamang na ideklarang null and void ang pagka-pangulo nito

Ayon pa kay Pamatong, base sa record ng Comelec, bago pa ang May 9, 2016 elections, umatras si Duterte sa kanyang kandidatura bilang Mayor ng Davao na sinundan ng paghahain nito ng COC sa pagka-pangulo.

Paniwala ni Pamatong, hindi pa naglalabas ng pinal na desisyon ang comelec sa COC ni Duterte nang kumandidato itong Pangulo.

Noong 2016 ay sinuspinde ng Korte Suprema ang lisensya sa abugasya ni Pamatong dahil sa pang-iinsulto at mapanira nitong paratang laban sa isang hukom.

Facebook Comments