Balik-bansa na ang panibagong batch ng mga Pinoy repatriates muka lebanon na apektado ng economic crisis doon.
81 mga Pinoy kabilang na ang 32 na mga bata ang dumating kanina sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) 1 sakay ng Gulf Air Flight GF 154.
Ilan sa kanila ay tinanggal sa trabaho at walang malinaw na papel sa Lebanon o walang working permit bagamat sila ay ilang dekada nang nagtatrabaho doon.
Anila, hindi na rin nila nais pang manatili doon dahil imbes na dollars ay lira na lamang ang natatangap nilang suweldo.
Karamihan din sa mga umuwing Pinoy workers ay umaabot na sa 15-30 years na walang working permit hanggang nagkaroon na lamang sila ng kanya-kanyang pamilya doon.
Malaki naman ang pasasalamat nila dahil tinulungan sila ng Philippine government para makauwi ng bansa, habang marami pang mga pinoy sa Lebanon ang nasa shelter at naghihintay ng schedule ng kanilang pag-uwi sa Pilipinas.
Tinatayang nasa mahigit 27,000 ang bilang ng mga Pinoy na naka-base sa Lebanon.