*Piso ang inihirit na dagdag pasahe ng isang transport group sa Cot.city..Ayon kay Actoda President George Mangansakan na bagamat wala pang paggalaw ng presyo ng gasolina at krudo sa lungsod ay iniumang na nila ang petition sa LTFRB para sa karagdagang piro na dagdag singil sa pamasahe sa townace at multicab.*
*Anya dahil sa Tax reform bill ay sisirit ng tres pesos hanggang sais pesos ang kada litro ng gasolina na pahirap na naman daw sa mga drivers at operator.*
*Kung sa kamaynilaan ay dos pesos ang kanilang hinihiling na dagdag pasahe ay dito sa lungsod ay piso lang ang kanilang inihirit dahil isinaalang-alang din nila ang kalagayan ng mga commuters.* *Kawawa umano ang kumikita ng arawan tulad ng mga driver dahil sila ang isa sa pinakaapektado ng tax reform bill ni pangulong rodrigo duterte.Anya pa para lamang daw sa govt employe ang TRAIN law. Sa pagtaas ng mga pangunahing bilihin ay apektado mga tsuper.*
Piso inihirit na dagdag pasahe ng isang transport group sa Cotabato city
Facebook Comments