LALAKING KUKUHA NG POLICE CLEARANCE SA SAN CARLOS CITY, INARESTO MATAPOS MATUKLASANG MAY PENDING NA KASO

Inaresto ng San Carlos City Police Station ang isang lalaki na kukuha sana ng police clearance noong Biyernes, Mayo 8, matapos matuklasan sa e-warrant verification system na may nakabinbin itong warrant of arrest.

Ayon sa pulisya, lumabas sa beripikasyon na may pending warrant ang suspek kaugnay ng paglabag sa Comprehensive Smoke-Free Ordinance sa Mandaluyong.

Dahil dito, agad siyang inaresto sa mismong proseso ng pagkuha ng clearance at dinala sa himpilan para sa kaukulang dokumentasyon.

Binigyang-diin ng pulisya ang kahalagahan ng e-warrant system sa mabilis na pagtukoy ng mga may nakabinbing kaso, lalo na sa mga transaksyon sa mga ahensya ng pamahalaan.

Tiniyak din ng awtoridad na ipagpapatuloy nila ang pagpapatupad ng batas at pananagutan sa mga indibidwal na may pending cases. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments