Tatlong most wanted persons sa lalawigan ng Pangasinan ang naaresto ng Police Regional Office 1 (PRO 1) sa magkakahiwalay ngunit magkakasabay na operasyon.
Ayon sa ulat, target ng operasyon ang mga wanted person na nahaharap sa kasong rape, statutory rape, at acts of lasciviousness.
Sa bayan ng Umingan, nadakip ng mga tauhan ng Umingan Municipal Police Station ang 32 anyos na construction worker na itinuturing na Top Most Wanted Person ng naturang bayan dahil sa kasong rape.
Samantala, sa bayan ng Infanta, inaresto ng pinagsanib na pwersa ng Infanta Municipal Police Station, 105th Regional Mobile Force Battalion 1, at Sta. Cruz Municipal Police Station ang 33 anyos na magsasaka na nakatala bilang Top Most Wanted Person ng munisipyo para sa kasong acts of lasciviousness.
Isinilbi sa suspek ang warrant of arrest na may inirekomendang piyansang nagkakahalaga ng ₱200,000.
Sa hiwalay namang operasyon, nadakip ng San Quintin Municipal Police Station katuwang ang Provincial Intelligence Team Pangasinan–Regional Intelligence Unit 1 ang isang 40 anyos indibidwal na kabilang sa Top 2 Most Wanted Person ng bayan. Nahaharap ito sa kasong statutory rape.
Kasalukuyang nasa kustodiya na ng kani-kanilang himpilan ng pulisya ang mga naarestong indibidwal para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣




