IFM DAGUPAN, NAGHATID NG SORPRESA AT PAGMAMAHAL SA IDOL KO SI NANAY NITONG MOTHERS DAY

Sa pagdiriwang ng Mother’s Day, nilibot natin ang mga bayan ng Dagupan City, Calasiao, San Carlos, at Binmaley upang maging tulay sa paghahatid ng sorpresa at pagmamahal para sa mga ilaw ng tahanan.

Bitbit ang mga bulaklak, IFM merchandising materials, turmeric, at bilao food tray, personal nating inihatid ang munting handog para sa sampung natatanging ina na napili sa “Idol Ko si Nanay” promo ng IFM Dagupan.

Napuno ng tawanan at luha ng kagalakan ang bawat pagbisita. Para sa ilan, isa lamang itong karaniwang araw, ngunit sa tulong ng kanilang mga anak, naipadama sa kanila kung gaano sila kahalaga at kamahal sa espesyal na okasyong ito.

Sa selebrasyon ng Mother’s Day ang mga simpleng regalo ay naghatid ng saya, pasasalamat, at pagpupugay para sa mga dakilang ina na walang sawang nagsisilbing gabay at lakas ng kanilang pamilya.

Kaya naman isang pasasalamat din sa lahat ng sponsor ng Idol ko Nanay promo sa nakamit na tagumpay ang inyong lingkod iFM Dagupan, RMN Networks, kasama ang Mommy’s Kitchenette, Qu4tros Disenyos, Highland Flower Shop Dagupan, Turmeric drinks by Good Potion Food Products, CHAN Aesthetics Salon and Spa, at Jose Jacintas Grill and Restaurant Poblacion Mapandan Pangasinan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments