Aprubado sa mga senador ang plano ng pamahalaan na muling ipagpatuloy ang mga naudlot na mga infrastructure projects.
Ayon kay Senator Sonny Angara, pwedeng unti-unting ituloy ang mga mahalagang infrastructure projects lalo na sa mga lalawigan kung saan nahinto ang galaw ng turismo.
Sabi ni Angara, mainam din na iprayoridad ang rural development at mga proyektong pang imprastraktura na magpapagpahusay sa public health system.
Mungkahi naman ni Senator Panfilo ‘Ping’ Lacson, limitahan ang construction projects sa mga saklaw ng “Build, Build, Build’ program ng gobyerno at hindi dapat kasama ang mga pet projects ng mga mambabatas.
Para naman kay Senator Joel Villanueva, bukod sa malalaking proyekto ng pamahalaan na may malaking maitutulong sa paglikha ng trabaho ay dapat din ikonsidera ang maliliit na infra projects sa mga lalawigan na makapagbibigay din ng trabaho sa kanayunan.
Tiwala naman sina Senator Francis Tolentino at Ronald Bato dela Rosa na ang planong dahan-dahang pagbubukas ng ekonomiya ay isang magandang hakbang para maibalik muli ang trabaho at makabangon ang mga maliit na negosyo.