PNP-Bicol, naglabas ng accomplishment report sa Anti-Illegal Gambling at Anti-Illegal Logging Operations

Bicol, Philippines – Ipinalabas na ngayon ng Philippine National Police Regional Command sa isinagawang anti-gambling at anti-illegal logging operations sa Bicol Region na inumpisahan noong Pebrero 3 hanggang sa kasalukuyan.

Sa pangunguna mismo ni Chief Supt. Melvin Buenafe, umabot sa 4,972 ang Anti-Gambling operations na ikinasa nila kung saan ay arestado ang 11,627 katao.

Sa anti-illegal logging operations ay mayroon silang nakumpiskang 622.2 habang ang arestado ay 531 katao.


Ayon pa kay Chief Supt. Melvin Buenafe, ay mas lalo pa nilang paiigtingin ang mga kampanyang ito para maitigil na at mas maging maayos ang buong lalawigan.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments