PNP, bumuo ng technical working group para sa paggamit ng body-camera rules

Bumuo ng technical working group ang Philippine National Police (PNP) na siyang susuri sa inaprubahang panuntunan ng Supreme Court kaugnay ng mandatoryong paggamit ng body cameras.

Sa ngayon, nasa 2,696 units na ng mga body camera ang naipamahagi sa 171 istasyon at opisina ng PNP.

Ayon kay PNP Chief Police General Guillermo Eleazar, makakatulong ang mga body-worn camera para mas magiging propesyunal maiwasan ang anumang pang-aabuso sa parehong panig ng mga pulis at publiko.


Pero dahil walong porsiyento pa lamang ang bibigyan ng body-worn cameras, maaaring gamitin ng mga pulis sa kanilang operasyon ang kanilang mga cellphone bilang alternative reporting devices.

Tiniyak naman ng PNP chief na hindi basta-basta mapapakialaman ang mga datos sa body-worn cameras.

Facebook Comments