PNP Cauayan, Hindi basta Maipatutupad ang Kautusan ng DILG sa mga Tricycle Driver-Operator

*Cauayan City, Isabela*- Aminado ang pamunuan ng Cauayan City Police Station na hindi basta-basta maipapatupad ang paghuli sa mga tricycle driver sa mga pangunahing lansangan sa lungsod ng Cauayan.

Ito ang paglilinaw ni P/Capt. Ma. Leonora Quebral, Operation Section ng PNP Cauayan dahil wala pa umanong umiiral na ordinansa kaugnay sa pagbabawal sa mga tricycle sa inner lane.

Sinabi pa ni Quebral na bagama’t may ipinalabas ng kautusan ang Department of Interior and Local Government (DILG) ay mahihirapan pa rin ang kanilang hanay sa pagpapatupad dito.


Nananawagan na lang sa ngayon ang kapulisan sa lahat ng mga driver-operator na mangyaring gamitin ang outer lane ng mga pangunahing lansangan sa lungsod para makaiwas na rin sa abala sa trapiko.

Kaugnay nito, nasa ikalawang pagbasa na ang ordinansa para sa mga tricycle driver at kanila namang pag aaralan ang legalidad ng kautusan ng DILG dahil isasaalang-alang din dito ang hanapbuhay ng mga umaasa lang sa pamamasada ng tricycle.

Facebook Comments