PNP Chief Gen. Azurin, nagsagawa ng inspection sa terminal ng bus, mall at LRT sa Cubao, QC

Dalawang araw bago ang Pasko, pinangunahan ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Rodolfo Azurin Jr., ang pagbisita sa mga terminal ng bus, Light Rail Transit (LRT) at mall sa Cubao, Quezon City.

Unang binista ni Gen. Azurin ang five-star bus terminal na halos puno ang mga pasaherong nasa waiting area at pauwi ng Central at Northern Luzon.

Ang inspection ay isinagawa para tiyakin sa publiko na naipatutupad ang inspection sa mga bag ng mga pumapasok sa terminal.


Una na ring naglabas ng direktiba si Gen. Azurin na dagdagan ang pwersa ng pulisya sa mga bus station.

Kasama ni Gen. Azurin sina Quezon City Police District Dir. PBGen. Nicolas Torre III at PNP Spokesperson PCol. Red Maranan sa isinagawang inspection.

Bukod sa terminal ng bus ay naglibot din sa isang malaking mall sa Araneta Center ang mga PNP Official at kinausap ang mga security official para ipaalala ang mga dapat na ipatupad sa pagbibigay seguridad sa publiko lalona ang mga last minute shopper.

Nagtagal din si Gen. Azurin sa inspection sa LRT Line 2 Cubao station na nilibot mula sa ticketing station hanggang sa passengers waiting area.

Facebook Comments